DOH, may babala sa publiko ngayong kapaskuhan

Naglabas ng babala sa publiko ang Department of Health (DOH) para sa nalalapit na kapaskuhan kung saan kaliwa’y kanan ang mga handaan.

Limang araw bago ang pasko sunod-sunod na ang mga parties, pagtitipon o kainan na dinadaluhan ng marami kaya payo ng DOH maghinay-hinay sa pagkain lalo na sa mga may existing na health condition.

Read More:  VP Sara Duterte prays for Philippine peace and father Rodrigo Duterte’s safe return

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, iwasan ang mga “ma foods” matataba, maaalat at matatamis na pagkain kung saan hindi naman aniya ito ipinagbabawal ngunit limitahan lamang o kapag nakatikim na ayos na.

Read More:  Malacañang denies Sara Duterte’s Laos travel authority; Ramon Tulfo apologizes

Paalala pa ng DOH, mas masaya ang pagdiriwang ng pasko kung sama-sama at mahirap magdiwang sa emergency room ng mga pagamutan kaya maging wais sa mga kakainin ngayong holiday season.