MMDA, tiniyak ang kahandaan sa extended na tigil-pasada

Nakahanda ang pamahalaan sakaling magpatuloy ang isinasagawang tigil-pasada ng mga transport groups.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, nakahanda silang tumugon at magbigay ng libreng sakay para sa mga pasaherong maaaring maapektuhan ng kilos-protesta ng mga PUV drivers at operators.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Kahapon, ibinahagi ng MMDA na hindi masyadong ramdam ang hindi pagpasada ng PISTON at Manibela.

Normal na foot traffic lang umano ng mga pasahero ang naranasan gaya ng nangyayari tuwing Biyernes, isama pa ang inasahang last minute shopping.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Samantala, ngayong weekend – nakikitang mas magiging mabigat ang daloy ng trapiko.

Upang tugunan ito, mahigit 2,000 na mga tauhan na ng MMDA ang ide-deploy sa gitna ng holiday season.