Pagbabalik ng Traslacion ng Itim na Nazareno – pinaghahandaan na

Ngayon pa lang ang naghahanda na ang Quiapo Church, Manila Police District, at ang mga Hijos del Nazareno para sa muling pagkakaroon ng Traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero ng susunod na taon.

Matatandaan kasing dahil sa pandemya ng COVID-19 – ilang taong nawala ang tradisyunal na prusisyon ng Black Nazarene.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Noong 2021, maytroon lamang tinatawag na ‘Pagtanaw’, noong 2022, online masses lamang ang ginawa; habang ‘Pagpupugay’ naman ang ipinalit sa ‘Pahalik’.

Para paghandaan ang 2024 Traslacion – nagsagawa na ng walkthrough ang mga otoridad , mga deboto, at pamunuan ng Quiapo Church sa mga daraanan ng prusisyon.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Kung maaalala – una na ring inanunsyo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na sa Enero 29 ng susunod na taon – idedeklarang National Shrine ang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church.