Flying Titans, tinalo ang Spikers sa PVL semifinals

Hahamunin ng Choco Mucho ang Creamline para sa kampeonato ng Premier Volleyball League Second All-Filipino Conference.

Ito’y matapos tinalo ng Flying Titans ang Cignal HD Spikers sa Game 3 ng semifinals kahapon sa iskor na 25-20, 23-25, 26-24, 25-23.

Read More:  Organizers aim to sell 50,000 tickets for Alex Eala’s Philippine Exhibition Match

Nang manguna ang Spikers sa second set ay agad bumawi ang Choco Mucho sa tulong ni Vani Gandler at Sisi Rondina.

Ayon kay Rondina, ang nakapagpanalo sa kanila ay mindset, tiyaga at dedikasyon sa trabaho lalo na’t naniniwala sila sa kakayahan ng bawat isa.

Read More:  Young fencers to compete in Developmental Tournament in Mandaluyong on October 25

Hangad ng Flying Titans ang kauna-unahan nilang PVL title matapos ang dalawang fourth-place finishes sa 7 conferences.

PHOTO COURTESY: PVL MEDIA BUREAU