Grupo ng Muslim, nagprotesta laban sa giyera ng Israel at Hamas

Nagsagawa ng kilos-protesta ang United Muslim Filipinos for Peace and Justice in Palestine sa Kartilya ng Katipunan sa Lungsod ng Maynila.

Nanawagan ang grupo sa Pilipinas na maisulong ang tigil-putukan sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Kasabay nito, mariing kinondena ng samahan ang nangyaring pagsabog sa Mindanao State University (MSU) gymnasium.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Nagkakaisa ang mga ito sa pagsasabi na isa itong karumal-dumal na krimen na hindi katanggap-tanggap sa paniniwala ng relihiyong Islam.

Ang masamang gawain ito anila ay malinaw na isang krimen laban sa sangkatauhan.