NCRPO, tinitiyak ang kaligtasan sa Metro Manila kasunod ng pagbomba sa MSU

Tinitiyak ng National Capital Regional Office (NCRPO) ang seguridad sa Metro Manila kasunod ng pagbomba sa Mindanao State University sa Marawi City.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Ayon kay Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr., hepe ng NCRPO, palaging naka-heightened alert ang kapulisan lalong lalo na sa Metro Manila dahil nandito ang malalaking central business district.

Dagdag pa ni Nartatez, hindi lamang sa checkpoint naghihigpit ang kanilang himpilan kundi pati narin sa maximum police visibility.

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Siniguro ng hepe ng NCRPO na sila’y naka-monitor sa mga threat groups at posibling risk factors na mangyari.