Elepante sa Manila Zoo na si Mali, pumanaw na

Pumanaw na ang elepante sa Manila Zoo na si Vishwamalai o mas kilala bilang Mali sa edad na 49-anyos.

Ito ang kinumpirma mismo ni Manila Mayor Honey Lacuna.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Samantala, nagsasagawa ng necropsy upang malaman ang tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Magkakaroon ng presscon ang alkalde para sa karagdagang impormasyon hinggil sa pagkamatay ni Mali ngayong araw.

Kasalukuyan namang tinakpan ang lugar kung saan nakatira ang nasabing elepante sa Manila Zoo gamit ang telon.

Read More:  ₱4.35-M worth of smuggled cigarettes seized in Negros Occidental

Naging tahanan niya ang Manila Zoo kung saan siya ang naging main attraction.

Kung maaalala, noong 1977 si Mali ay donasyon ng Sri Lankan Government para sa Pilipinas.