Lumabas sa pagsisiyat ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) na 2018 pa expired ang lisensiya ng personal na baril ni Police Lieutenant Colonel Mark Julio Abong.

Ito ang kumpirmadong ginamit niya sa pagpapaputok habang lasing umanong nakikipagtalo sa labas ng bar sa Quezon City.
Batay sa ballistic examination, paso na rin ang license to own and possess firearm ni Abong para sa dalawa pa niyang baril.
Ipinag-utos na rin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagbawi ng lisensiya ng baril ni Abong.
Inaasahang magkakaroon na ng desisayo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa apela ni Abong ngayong linggo.