WHO: ‘Respiratory illness’ sa China, hindi kasing taas ng COVID-19

Inihayag ng World Health Organization na ang kumakalat na ‘respiratory illness’ sa China ay hindi kasing taas ng COVID-19 pandemic.

Ito’y dahil walang bago at kakaibang pathogens na nakita at naitatala sa mga respiratory cases.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Ayon kay Maria Van Kerkhove, acting director ng WHO department of epidemic and pandemic preparedness and prevention, inaasahan na itong mangyari dahil ito ang kinakaharap ng mga bansa ng dalawang nakalipas na taon.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Iniugnay naman ng Chinese National Health Comission ang respiratory illness sa sirkulasyon ng ilang uri ng mga pathogen, lalo na ang pinakilalang kaso ang trangkaso.

Nabatid na ang nangyaring spike ay isang pandaigdigang isyu nitong nakaraang linggo.