QC Mayor, nag-sorry ukol sa nangyaring traffic sa pagdaan ng sasakyan

Humingi ng paumanhin si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa nangyaring traffic sa pagdaan ng kanyang sasakyan sa Katipunan Avenue, kanto ng Aurora.

Ayon kay Belmonte, nagkaroon ng kalituhan sa nangyari nang pahintuin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcers ang daloy ng trapiko para makalampas ang kanyang sasakyan.

Read More:  Delayed bridge project leaves Cebu students, residents struggling

Dagdag pa ng alkalde, matapos ang ginawa niyang ribbon cutting sa bagong bukas na coffee shop agad nitong binaybay ang nasabing daan.

Pero sinabi ni Belmonte na lingid sa kaalaman nila, itinigil pala ng MMDA ang trapiko upang makalampas ang sasakyan ng Mayor.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Dahil dito, hindi niya kinukunsinti ang ganitong gawi kasabay ng paghingi ng pasensya sa publiko.

Iginiit ng QC Mayor na dapat akma ang protocol sa kapakanan ng lahat na gumagamit ng kalsada, ano man ang kanilang estado sa lipunan.