Force evacuation inuutos sa Libmanan dahil sa Shearline

CAMARINES SUR- Mataaas ang lebel ng tubig sa Libmanan River Sabado ng tanghali, pinangambahan ang pag-apaw nito dahil sa halos walang humpay na pag-uulan, ‘di nagtagal  pumasok na ang tubig baha sa mga kabahayan.

Bago ito , inilabas ng MDRRMO ang kautusan ni Mayor Jess Camara ng force evacuation sa mga naninirahan sa bahaing lugar, gayundin ang mga residenteng nasa landslide prone areas.  Sinabi naman sa Brigada News FM ng MDRRM na may nagsilikas pero nitong linggo ay bumalik na rin sa kani-kanilang tahanan.  Nagkaranas din ng pagbabaha ang ilan pang  bayan sa Camarines Sur.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school
Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Samantala , sinabi sa Brigada News FM Naga ni Weatherman Mike Padua, asahan pa ang paghina at paglakas muli ng Shearline ngayong linggo kaya posible pa rin ang malalakas na pag-uulan.