PNP official, naaresto nang magpaputok ng baril at nanakit sa isang restobar

Arestado ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na dati nang kinasuhan dahil sa pagkakasangkot sa insidente ng hit-and-run.

Ito’y matapos umanong magpaputok ng baril at nanakit ng waiter sa isang restobar sa Brgy. Laging Handa, Quezon City.

Kinilala ang naaresto na si Police Lieutenant Colonel Mark Julio Abong, dating hepe ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit at kasalukuyang nakatalaga sa legal service ng PNP National Headquarters.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Batay sa inisyal na imbestigasyon – kinuwelyuhan umano ng ni Abong ang isang waiter dahil sa matinding kalasingan.

Bukod dito, nakasagutan din ng naturang pulis ang isang customer at pagkatapos nito, dalawang beses na nagpaputok ng baril sa labas ng bar.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Samantala, bahagyang nagkaroon ng tensyon sa tanggapan ng PNP-CIDU dahil nagtangkang lumabas ng kampo si Abong kahit na wala pang ibinibigay na clearance

Sa ngayon, nahaharap ang nabanggit na opisyal ng PNP sa patong patong na kaso kabilang na rito ang alarm and scandal, paglabag sa Omnibus Election Code at gayundin ang physical injury at slander by deed.