Rep. Castro, giniit na premature ang umanoy impeachment laban kay VP Duterte

Giniit ni Rep. France Castro na premature pa lang ang usaping pagpapatalsik kay Vice President Sara Duterte bilang ikalawang pangulo.

Umugong ang usaping impeachment laban kay VP Duterte noong banggitin ni Castro na may ilang mambabatas na nag-uusap sa pagpapatalsik  sa pwesto ng bise presidente.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Ito ay sa gitna ng mga batikos sa confidential fund ng Office Vice President at Department of Education na naging mitsa ng pagtawag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara bilang pinakabulok na institution.

Read More:  Classes suspended at San Jose National High School in Tacloban

Itinanggi naman ni House Speaker Martin Romualdez na may plano ang ilang miyembro ng Kamara na patalsikin si VP Duterte.

Sinabi pa niya na wala siyang nababalitaan na may planong impeachment ang ilang mambabatas laban kay Duterte.