Governor Padilla ipinagtataka daw ang talamak na bilihan ng boto kahit sa Barangay at SK Elections, pagkulong sa mga Kabataan bago ang eleksyon sa SK Municipal Federation level pinuna rin ng opisyal

CAMARINES NORTE – Ipinagtataka raw ni Governor Ricarte “Dong” Padilla ang talamak na bilihan ng boto kahit sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa kaniyang talumpati sa panunumpa ng mga bagong halal na Barangay at SK Officials sa bayan ng Basud, Camarines Norte kahapon, sinabi ng Gobernador ang na akala niya ay sa local elections lamang ito nangyayari.

Pinuna rin ni Governor Padilla ang aniya’y pagkulong sa mga kabataan bago ang nangyaring eleksyon sa SK Municipal Federation level.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Kung siya umano ang tatanungin, mas nanaisin niya na bigyang laya ang mga kabataan sa kung sino ang kanilang nais iboto mapa Municipal man o Provincial Federation ng SK.

Siya mismo umano ay saksi sa kung paanong ang isang SK Chairman sa hindi na niya binanggit na bayan ay magtanong kung magkano ang ibibigay niya.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Sa pagkakataong ito naman ay may tanong ang Gobernador sa mga opisyal ng Barangay lalo na sa mga kapitan.

Sa huli ay nanawagan ang Gobernador sa mga kabataan na manindigan dahil kung ano man umano ang gawin ng mga kasalukuyang lider tama man o mali ay ang kasalukuyan at susunod pang henerasyon ang aani.