Kahalagahan ng mga bakawan at pagpapatupad ng fishery law kabilang sa mga natalakay sa dalawang araw na training on fishery law enforcement.

CAMARINES NORTE – Ipinaliwanag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang kahalagahan ng mga bakawan at kung bakit ipinagbabawal ang pagpuputol nito.

Ayon kay Helbert Mabeza ng BFAR Provincial Office mula sa ugat hanggang sa mga dahon nito ay mayroon itong pakinabang.

Kabilang sa mga pang ekolohiyang kahalagahan ng bakawan ay tumutulong ito sa pagpapanatili sa balanse ng kabuuang ecosystem ng baybaying dagat, nagsisilbing kainan, tirahan at pangitlugan ng iba’t- ibang hayop na nabububuhay sa tubig.

Pinatatatag rin ng mga bakawan ang baybayin sa pamamagitan ng pagpapahina ng malalakas na hangin sa panahon ng bagyo at pumipigil sa paguho ng lupa.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nakakatulong din ito sa pagdadagdag ng lupa sa pamamagitan ng matagalang proseso ng sedimentasyon, nagsasala ng iba’t- ibang uri ng dumi na nangagaling sa lupa at marami pang iba.

Ayon pa kay Mabeza mayroon din itong mga pang ekonomiyang kahalagahan.

Ginawa ang 2- day training noong November 15- 17 sa St. Francis of Assisi Parish Hall sa bayan ng Talisay na dinaluhan ng Bantay dagat, Philippine National Police, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Municipal Agriculture Office at mga kinatawan mula sa iba’t- ibang barangay ng naturang bayan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kabilang sa mga paksa na tinalakay ay ang tungkol sa Coastal Resource Management kung saan pinag usapan kung bakit umuunti na ang mga nahuhuling isda, mga sanhi ng overfishing, status ng coral reef at protective management in coral area. Natalakay din ang tungkol sa papel na ginagampanan ng iba’t- ibang ahensiya, mahahalagang probisyon ng Philippine Fisheries Code, prohibitions and penalties, Municipal Fisheries Ordinance at marami pang iba.