6 Chinese na nahuli sa POGO hub sa Pasay, wanted din sa China – PAOCC

Nadiskubre ng mga otoridad na wanted pala sa China ang anim na Chinese na kabilang sa naaresto sa ilegal na POGO hub sa Pasay City.

Read More:  Pickup driver falls asleep, hits tricycle, motorcycles and store in Bacolod

Ayon kay Winston Casio, tagapagsalita ng PAOCC, ang nasabing mga dayuhan ay may warrant of arrest sa iba’t ibang kaso kabilang ang fraud, ilegal na droga at iba pa.

Gayunpaman, hindi muna sila matu-turn over sa embahada ng China dahil sa gumugulong ang imbestigasyon sa kaso.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Bukod dito, matatandaang isang Taiwanese National rin ang nahuli sa POGO hub na napag-alamang wanted din sa kanilang bansa dahil sa kasong fraud.