Thailand, binawi ang joint patrols kasama ang Chinese Police

Nakatakda sanang magsagawa ng joint patrol ang Chinese police kasama ang Thailand sa mga tourist spots sa Bangkok.

Ayon sa Tourism officials ng nasabing bansa, layon nitong bigyan ng kumpiyansa ang mga turista lalo na ang mga Chinese Nationals na maglibot-libot sa mga tourist attractions kung magsasanib pwersa ang Chinese at Thai police sa pagbabantay.

Read More:  Pope Leo XIV rests well as he recovers from lung surgery

Samantala, inulan ng batikos ang nasabing pagpapatrolya kaya’t agad na binawi ng Thailand ang kanilang ideya.

Read More:  153 killed in drone strike on market in Abyei, Africa

Sinabi ng kanilang Tourism Minister na si Sudawan Wangsuphakijkosol, marami pang alternatibong paraan para makahakot ng turista ang Thailand.

Sapat aniya ang pwersa ng Thai police force para magbigay-kumpiyansa sa mga turista.