Libo-libong earthquakes, naitala sa Southern Iceland; 4K, inilikas

Humigit-kumulang 900 lindol ang naitalang tumama sa Southern Iceland.

Dahil dito, inilikas ang nasa 4K na mga indibidwal na nakatira sa bayan ng Grindavik.

Ayon kay Matthew James Roberts, director of the service and research division ng Icelandic Meteorological Office, hindi pa tiyak kung ano ang kasunod na mangyayaring pinsala at baka humantong aniya sa pagsabog ng bulkan.

Read More:  Trump administration revokes over 300,000 US visas amid immigration crackdown

Sinabi ng isang Belgian resident doon na si Hans Vera na kada oras niyayanig ang lupa at hindi na siya nakakatulog ng maayos.

Read More:  17 killed, over 20 injured in stampede at India’s Durga Puja festival

Itinaas na rin ng Iceland government ang state of calamity sa naturang bansa.

Nabatid na may 33 active volcanic system ang bansang Iceland – ito’y pinakamaraming bilang sa buong Europa.

PHOTO COURTESY: Road Administration of Iceland (Facebook)