Balay Silangan sa Masinloc pinasinayaan na

Pinasinayaan na ang itinayong Balay Silangan Reformation Center sa bayan ng Masinloc, Zambales.

Ito ay magsisilbing lugar sa mga nasangkot sa ipinagbabawal na droga na nais makapagbagong buhay.

Read More:  Nine injured as Canlaon City booth burns at Buglasan Festival in Dumaguete

Isasailalim ang mga ito sa intervention programs na makakatulong sa pagpapabuti ng kanilang buhay kapag nakatapos na sa programa.

Sa pamamagitan ng PDEA Zambales, mga LGU Officials at iba pang stakeholders ay pinasinayaan ito kahapon.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Ang Masinloc Balay Silangan Reformation Center ay ika-38 na sa  Central Luzon at ikalawa sa Zambales.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO