MPD, nagtalaga ng bagong Police Station 1 Commander sa Tondo

Nagtalaga ang Manila Police District (MPD) ng bagong Police Station 1 Commander sa Tondo, Maynila.

Ipinakilala ni MPD chief Col. Arnold Thomas Ibay ang bagong commander na si Lt. Col. Melvin Florida.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Dumating ang appointment ng bagong hepe ng naturang police station kasunod ng pagtakas ng mga preso mula sa detention cell ng Raxabago Station sa ilalim ni Lt. Col. Roberto Mupas.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Nabatid na siyam na preso ang tumakas nang baliin ang isang bahagi ng bakal na gate sa custodial facility.