Lalaking kumuha ng police clearance, arestado nang nadiskubreng may kaso

Arestado ang isang lalaking kumukuha ng police clearance sa Las Piñas City matapos matuklasang may kinaharap itong kaso.

Ayon kay Police Col. Jaime Santos, hepe ng Las Piñas City, lumitaw sa kanilang e-warrant na may kaso pala ang suspek ng paglabag sa violence against women and children at malicious mischief na inisyu ng korte sa Mandaluyong.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental
Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Aniya, kalimitan sa ibang lugar dumadayo ang mga may kaso dahil nagbabasakali na kumuha ng police clearance.

Sa ngayon, nasa custodial facility na ang suspek sa Las Piñas City Police.