Cirata – pinakamalaking floating solar farm sa Southeast Asia

Pinasinayaan ng Indonesia ang pinakamalaking floating solar farm sa Southeast Asia na nagkakahalaga ng tumatagingting na $100M.

Ayon kay Jakarta President Joko Widodo, nakamit na ang malaking pangarap ng nasabing bansa na makapagtayo ng isang renewable energy plant kaya’t para sa kanya isa itong makasaysayang araw.

Dagdag pa ni Widodo, hindi lamang basta basta solar farm ito kundi ikatlo sa pinakamalaki sa buong mundo.

Ang Cirata floating farm ay may sapat na kuryente para makapag-suplay sa 50k na kabahayan partikular na sa Cirata, Indonesia.

Bukod dito, plano ng Indonesian government na maabot ang net-zero emissions sa 2060.

PHOTO COURTESY: AFP