Mag-ina, patay sa sumiklab na sunog sa Parañaque

Hindi na naabutan pa ng Pasko ang mag-ina nang mamatay ito sa sumiklab na sunog sa lungsod ng Parañaque.

Ayon kay Supt. Eduardo Loon, Marshal ng Parañaque City Bureau of Fire and Protection (BFP), na-trap ang dalawa sa kanilang nasusunog na bahay sa Barangay San Dionisio.

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Natagpuan aniya ang mga biktima malapit sa pintuan sa ground floor ng kanilang bahay.

Read More:  DOST-backed community project begins in Himamaylan City

Bukod dito, 20 pa na mga kabahayan ang naging abo at apektado rito ang nasa 40 na mga pamilya.

Umabot sa P75K ang danyos ng sunog, at inaalam pa ng Parañaque BFP ang sanhi ng naturang sunog.