Bayan ng Tiwi, Albay nagdadalamhati sa pagkasawi ng kanilang bise alkalde re: COVID-19; mga empleyado ng munisipyo nagsuot ng itim

BICOL—Nagdadalamhati ngayon ang bayan ng Tiwi, Albay matapos na masawi dahil sa COVID-19 ang bise alkalde nito. Ngayong araw ay nagsuot ng itim ang mga empleyado ng munisipyo bilang pakikidalamhati habang inilagay naman sa half-mast ang mga bandila.

Araw ng Biyernes nang bawian ng buhay si Vice Mayor David Beato at agad na isinailalim sa cremation ang mga labi nito.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sa ngayon ay naka-isolate na ang pamilya ng bise alkalde at nanawagan din ito sa mga nagkaroon ng close contact sa opisyal kabilang na ang mga dumalo sa sesyon at mga miyembro ng media na nagpanayam dito na makipag-ugnayan sa mga health authorities at mag-isolate.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Hulyo 10 hanggang 11 ay bubuksan ang public viewing para sa abo nito at Hulyo 12 ang libing.

Ang bayan ng Tiwi ay may kabuuang 111 confirmed cases ng COVID-19, siyam ang nasawi, 95 na ang mga gumaling at pito pa ang aktibong kaso.#