Pamamahagi ng Social Pension ng mga Senior Citizen sa Pamplona Camarines sur, ginawang per barangay

NAGA CITY- Naging per Barangay ang pamamahagi ng social pension ng Department of Social Welfare and Development Office o DSWD sa Pamplona Camarines Sur.

Ito ay bilang tugon sa kahilingan ng lokal na pamahalaan upang hindi magsiksikan sa isang venue ang mga benepisyaryo.

Read More:  5 injured after military vehicle overturns and plunges into creek in Aklan

Ayon kay Mayor Boy Franco, tumagal lamang ng dalawang araw ang payout para sa lahat ng Barangay, marami kase aniyang personahe na tumulong, maliban sa DSWD mayroong mga mula sa LGU kaya mabilis.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Tuloy naman ang pamamahagi ang social pension ng DSWD sa iba pang mga bayan. Ayon sa kagawaran layunin nitong maibsan ang hirap ng mga kwalipikadong senior citizens at makatulong sa kanilang pangangailangang medikal.