Nag-overheat na electric fan, nagdulot ng sunog sa Sampaloc, Manila

Nagtamo ng injury ang isang 89-taong gulang na ginang matapos mag-overheat ang kanyang electric fan, na siyang nagpasimula ng sunog sa Sampaloc, Manila.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas ang first alarm bandang 5:48 ng umaga sa tahanan ng biktimang si Caridal Roldan.

Higit-kumulang 11 fire trucks ang rumespunde sa insidente upang mabilis na maapula ang sunog.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Agad din namang nakatanggap ng agarang medical assistance si Roldan mula sa mga tauhan BFP.