Libing at cremation sa Manila North Cemetery, papayagan na muli bukas

Papayagan na muli ang paglilibing at cremation sa Manila North Cemetery simula bukas.

Sa katunayan ayon kay Manila North Cemetery Director Yayay Casteñeda bukas na ngayon ang kanilang opisina sa pagtanggap ng mga aplikasyon.

Limang libong piso ang renta ng mga dating nitso sa MNC at ang kontrata ay limang taon.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Samantalang sa mga bago nang nitso ay 12,500.

Kabilang na raw sa package ang taga libing, lapida, taga pintura at permits.

Matapos ang limang taong kontrata sakaling hindi pa ma pull out ng pamilya ang buto, binibigyan sila ng 15 days grace period para magawa ito.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Kung sakaling hindi pa rin maalis ang buto dadalhin ito sa bone crypts.

Samantala sinabi ni Director Yayay na nananatiling mahigpit ang seguridad sa MNC.

Mababa pa rin ang bilang ng mga nagtutungo rito na inaasahan na rin raw ng pamunuan ng sementeryo dahil bukas ay balik trabaho na.