Bilang ng mga nakaranas ng hypertension sa mga sementeryo sa Albay, umabot sa mahigt 30

LEGAZPI CITY – Umaabot sa 34 ang mga nakaranas ng hypertension sa iba’t ibang mga sementeryo sa lalawigan ng Albay kahapon.

Ito ang kinumpirma ng Philippine Red Cross Albay sa Brigada News FM Legazpi

Umaga pa lang umano kahapon ay marami na ang nagsipagpuntahan sa mga sementeryo, ngunit pagsapit ng hapon ay dumoble pa ang mga tao.

Read More:  Drunk passenger stabs fellow bus rider in Cebu

Dahil sa init ng panahon ay marami ang nakaramdam ng pagtaas ng dugo na naging dahilan ng kanilang pagiging hypertension.

Sa tala, 25 sa lungsod ng Legazpi ang nakaranas nito, 7 sa Tabacoat 2 sa Ligao.

Read More:  Motorcycle used for livelihood stolen in Puerto Princesa City; owner appeals for return

May mga nagtamo rin ng minor injury o sugat partikular ang mga bata dahil sa ilang mga aksidente sa loob ng sementeryo.

Sa ngayon, mangila-ilan na lamang ang pumapasok sa sementeryo.