Bone Crypts sa Manila South Cemetery, renewable every 5 years ayon sa pamunuan

Kinumpirma ng pamunuan ng Manila South Cemetery na renewable kada limang taon ang bone crypts o bone deposits.

Ayon kay MSC Director Jonathan Garzo, ang crypt o bone deposits ay isang communal space kung saan pwede ilipat ang buto ng isang taong yumao.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Dagdag pa ng direktor na bago ilipat sa crypt ang mga buto ay inaabisuhan muna ang pamilya bago matapos ang kontrata.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Sa ngayon ay maraming bone deposits sa loob ng sementeryo na pwedeng rentahan ng kada limang taon.

Samantala, magsisimula na ulit bukas ang operasyon ang cremation at interment sa MSC.