SP Zubiri, handa na sa joint session sa Kongreso kasabay ng pagbisita ng Japanese Prime Minister

All-systems-go na ang Kongreso para sa isasagawang special joint session kasabay ng pagbisita ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Sabi ni Senate President Migz Zubiri, isa raw karangalang mabisita sila ng Japanese leader.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Mahalaga raw ito para pagtibayin pa ang relasyon ng Japan at ng Pilipinas lalo na’t kinikilala nila ang long-standing partnership ng dalawang bansa at ang matibay na pagsuporta ng Japan sa progreso ng ating bansa.

Ang Japan din umano ang pinakamalaking bilateral source ng Pilipinas sa Official Development Assistance (ODA).

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Maaalalang sa araw ng Sabado, ia-adress ni Kishida ang Kongreso alas-onse ng umaga sa Batasan Complex.

Si Kishida ang ika-anim na foreign head of state na magsasalita sa joint session ng Kongreso.