100,000 crowd para sa Undas2023, hindi inaasahan ng Loyola Memorial Park

Malaki ang naging epekto ng lagay ng panahon pati na ang long weekend sa pagbaba ng bilang ng dumadalaw sa Loyola Memorial Park sa Marikina City ngayong Undas.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Park Manager Gabby Dela Paz, sinabi nitong hindi na nila inaasahang papalo sa isandaang libo ang crowd estimate sa kabuuan ng paggunita ng Todos Los Santos.

Read More:  VP Sara: my service record is clean

Hindi rin kasi umabot sa 30,000 hanggang 35,000 ang bumisita sa Loyola nitong All Saints’ Day na karaniwang naitatala kada taon dulot ng naranasang pag-ulan.

Kahapon ay nasa labingwalong libo lamang ang peak ng mga tao habang ngayong All Souls’ Day ay maaaring hanggang 2:00 ng hapon na lang umano dadagsa ang mga dadalaw.

Read More:  Naga Mayor Leni Robredo rules out 2028 national bid

Paliwanag ni Dela Paz, posibleng sinamantala ng karamihan ang mahabang weekend para magbakasyon.

Samantala, hindi na papayagan ng pamunuan ang overnight sa sementeryo ngayong araw.

Sinabi ni Dela Paz na hanggang 8:00 na lang ng gabi tatanggap ng mga dadalaw sa puntod ngunit maaaring magbigay ng konsiderasyon hanggang 10:00 ng gabi.