Badjao Girl Rita Gaviola, engaged na

Engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend ang viral star na si Rita Gaviola o mas kilala bilang Badjao Girl.

Sa kanyang Instagram post, makikita sa larawan na nakaluhod ang kanyang partner na may dalang singsing, na may caption na “This is it!”

Read More:  Keanna Reeves unfazed by 28-year age gap with younger boyfriend

Maalalang may anak na babae na ang magkasintahan, at pinangalanang nila itong “Kia.”

Sumikat si Gaviola noong 2016 nang mag-viral online ang larawan niya na namamalimos sa kanyang kapatid noong Pahiyas Festival.

Read More:  Yeng Constantino regrets serenading former suitor Ryan Bang at her 20th Anniversary Concert

Pumasok naman siya sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother: Lucky 7, kung saan binansagan siyang “Badjao Girl ng Lucena.”