45 katao, patay sa Mexico dahil sa Hurricane Otis

Patay ang 45 katao nang manalasa ang Hurricane Otis – isang Category 5 na bagyo sa Mexico.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 165 miles per hour na sumira sa mga bubong ng mga kabahayan, hotels, at iba pang establisyemento.

Read More:  At least 5 missing as flash floods strike northern Nepal anew

Lumubog din ang mga sasakyan, naputol ang mga kable ng kuryente, at bumaha ang siyudad sanhi ng natural na kalamidad.

Read More:  Nearly 200 OFWs to come home following attacks in Saudi Arabia

Ayon kay Evelyn Salgado, governor ng Acapulco’s home state sa Guerrero, 45 ang kumpirmadong patay; habang 47 naman ang nawawala sa naturang insidente.