Pilipinas, nag-abstain sa botohan sa UNGA para sa panawagang tigil-putukan sa Israel-Hamas conflict

Hindi bumoto ang Pilipinas sa naging botohan ng United Nations (UN) kung saan ay ipinapanawagan niala ng isang ‘humanitarian truce’ sa pagitan ng Israel at Hamas.

Nag-abstain ang kinatawan ng Pilipinas sa UN General Assembly (UNGA) na susuporta sana sa ‘immediate call’ para sa tigil-putukan.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Paliwanag ni Philippine Permanent Representative to the UN Amb. Antonio Lagdameo – kinikilala naman nila ang naging hakbang ng United Nations.

Wi-nelcome din daw ng Pilipinas ang ginawang pagbubukas ng mga humanitarian corridors.

Read More:  Comelec may seek additional funds if BSKE is postponed

‘Yun nga lang – hindi raw napabilang sa resolusyon ang pagkundena sa pag-atake ng Hamas partikular na noong October 7 kung saan, maraming sibilyan ang mga nangamatay, kabilang na ang ilang Pilipino.