Energization ng San Lorenzo Well No. 2, target bago matapos ang buwan ng Oktubre

Posible nang maging operasyonal bago magtapos ang kasalukuyang buwan ng Oktubre ang bagong source target ng  Sorsogon City Prime Water na Sitio San Lorenzo Well No. 2.

Nubenta porsiyento (90%) na kasing tapos ang pipelaying works ng nasabing source development and transmission lines project sa Barangay Bibincahan kung saan sa ngayon ay hinihintay na lamang na matapos ang pipelaying works, electro-mechanical installation works at energization works ng nasabing proyekto at tuluyan na itong mag-ooperate.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Mababatid na batay sa isinagawang three-day continuous pump test, kaya ng San Lorenzo Well No. 2 na mag-suplay ng hindi bababa sa 2,000 cubic meters bawat araw na malaking kaginhawaan sa mga residente ng Barangay Bibincahan at mga kalapit na barangay sa East District.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Samantala patuloy pa rin ang paglatag ng mga bagong poste at linya ng kuryente na isusuplay naman sa sa bagong deepwell source ng Primewater-Sorsogon city sa itaas na bahagi ng Sitio San Lorenzo.