Ilang araw bago ang Barangay at Sanguniang Kabataan Election (BSKE) gayundin ang paparating na Undas ay dagsa na ang mga biyahero sa Batangas Port upang umuwi sa kani-kanilang probinsiya.
Sa pahayag ni Capt. Jerome Jeciel, Commander ng Philippine Coast Guard-Batangas, asahan umano na maraming barko ang maglalayag ngayong linggo hanggang sa susunod na linggo.
Mahigpit din umano nilang ipinagbabawal sa mga pasahero ang pagdadala ng mga matutulis na bagay gayundin ang mga nakalalasing na inumin upang maiwasan ang mga sakuna na maaring maidulot nito.
Aniya, puspusan din ang pag iinspeksiyong isinasagawa ng mga mga tauhan ng PCG- Southern Tagalog sa mga barkong ba-biyahe upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.
Nagtalaga na rin sila ng mga sea marshall para sa mga long voyage katulad ng biyahe pa-Romblon.
Aktibo namang nakastandby sa helpdesk ang walong tauhan ng coast guard, kabilang na ang K9 Units para sa security measures.
Paalala ni Capt. Jeciel sa mga kapitan ng barko laging tandaan ang safety protocols at lagi ding maging updated sa weather conditions bago lumayag.