DND: Chinese President Xi, “Just for show” lang ang pakikipag-ugnayan sa Pilipinas

Pinaniniwalaan ni Department of Defense (DND) secretary Gilbert Teodoro na pagkukunwari lamang ang pakikipagugnayan ni Chinese President Xi Jin Ping kina Pangulong Bongbong Marcos at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ito’y matapos ang banggangaang naganap sa pagitan ng mga Chinese at Pilipinong magsasagawa ng resupply mission sa West Philippine Sea.

Aniya, “just for show” lamang ang naganap na pakikipagpulong dahil hindi sumasalamin ito sa mga aksyong nagawa ng mga Tsino.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Binigyang-diin ng kalihim na dapat ipagpatuloy nina Marcos at Xi ang pag-uusap, ngunit dapat magpakita na ito ng mabuting pananampalataya at sinseridad, hindi tulad ng mga nakaraang pagkakataon.