Palasyo: November 3, hindi holiday

Nilinaw ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi holiday o non-working holiday ang November 3, na magsisilbi sanang “super” long weekend.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Pinabulaanan ni Bersamin ang kumakalat na impormasyon na nagsasabing sinuspinde ng Malacañang ang trabaho pagkatapos ng Undas.

Aniya, “fake news” raw ito at walang silang intensyong ideklara ito bilang holiday.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Matatandaang sinabi na rin ng Malacañang nitong Martes na wala rin silang balak na ideklarang holiday ang Oktubre 31.