Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang isang pulis na nakapatay sa kapatid ng kaniyang ka-live in partner sa Pasay City kahapon ng madaling araw

Ayon sa National Capital Region Police, kasong murder, attempted murder, RA 9262 o Violence Against Women and Children), at R.A. 10591 in relation to R.A. 76166 o (Omnibus Election Code) ang kinakaharap ngayon ni PSSg Ruel Lacuesta.
Kung maaalala, sa inisiyal na imbestigasyon ng Pasay City Police, lumabas na umawat lang ang kapatid ng kanyang live in partnetr na kinilalang si Ramon Teves sa away ng dalawa pero nabaril ito.
Boluntaryo naman sumuko sa mga awtoridad si Lacuesta sa Cabuyao, Laguna.
Si Lacuesta ay naka-assign sa NCRPO.
Sa isang pahayag dismayado si NCRPO Acting Regional Director Jose Melencio Nartatez Jr. sa pagkakasangkot sa insidente ng nabanggit na pulis.
Tiniyak din niya ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon para mabigyan ng hustisya ang pamilya ng bitkima.