Tatlong daan mga pulis, ide-deploy sa Cotabato City kasunod ng naganap na pamamaril

Tatlong daang mga pulis ang idedeploy sa Cotabato City kasunod ng naganap na pamamaril doon kung saan tatlong tumatakbo sa pagka bgy kagawad ang nasawi.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, ang mga pulis ay magmumula sa reserve force ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region at Special Action Force.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Samantala, isinailalim sa yellow category ang Rosary Heights 12 kung saan naganap ang pammaril.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Gayunpaman, sinabi ni Fajardo na tiniyak ng PRO-BAR sna ang sitwasyon sa lungsod ay nananatiling “manageable,” at ang nakaraang insidente ay isang isolated case.