Maraming residente ng San Jose Del Monte Bulacan ang nangangamba na baka magmahal ang presyo ng mga pangunahing bilihin at bayarin tulad ng kuryente at tubig pag na-aprubahan na ang pagiging Highly Urbanized City ng lungsod
Agad namang nilinaw ng lokal na pamahalaan na walang kinalaman ang pagtaas ng bilihin kapag naging HUC na ang SJDM at ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay batay sa Law of Supply and Demand.
Dagdag pa nito na na ang mga bayarin tulad ng kuryente at tubig ay hindi agad-agad na magtataas gayundin ang mga buwis na binabayaran ng tao ay hindi rin automatic na tataas pagka convert ng San Jose Del Monte City.
Magaganap ang botohan ng plebesito ng lungsod sa October 30 kung saan sinabay ito ng COMELEC sa Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections.