Mga patay nasa data base pa rin ng Philhealth; Ahensya nakipag-ugnayan na sa DICT

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pamunuan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para linisin ang data base nito.

Ito’y matapos na makitang rehistrado pa ang nasa 4Milyon na mga pangalan ng Pilipino na mga yumao na.

Read More:  DSWD Sec. Gatchalian denies wasted AICS funds despite COA findings

Ayon kay PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr., sa lalong madaling panahon ay agad nila itong sosolusyunan at isigurong hindi magiging sagabal sa pagbibigay ng serbisyo sa ating mga kababayan.

Read More:  Remulla confirms Atong Ang has left Philippines

Masayang ibinahagi naman ni Ledesma na sa ngayon ay 92% na ng mga Pilipino ang nakarehistro sa Philhealth at mas pinaiigting pa ang kampanya na ipatala ang 100% ng populasyon ng bansa.