Pilipinas, inalis ang China bilang funding source ng Mindanao Railway

Hindi na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang loan financing mula sa China para sa Mindanao Railway Project.

Kinumpirma ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ibinaba na ng gobyerno ang Chinese official development assistance (ODA) financing para sa proyekto.

Read More:  Champi may regain super typhoon strength before entering PAR

Pinagpupulungan na ng ahensya ang iba pang posibleng ODA partners, ngunit sinigurong hindi na ipagpapatuloy ang negosasyon sa China dahil aniya wala ito masyadong development.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Tinanggihan naman ni Bautsita na may kaugnayan ang kanilang desisyon sa tumataas na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.