Comelec, nagbabala sa paggamit ng gender insensitive jingles sa BSKE

Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato para sa 2023 Barangay at Sanguniang Kabataan Elections na gumagamit ng insensitive campaign jingle.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, may ilang kandidato partikular na sa Nueva Ecija na may campaign jingle na nakakasakit.

Read More:  Cendaña warns of legal action over online attacks targeting his medical condition

Ayon kay Garcia, maaari nakakatawa sa paraan nila upang makuha ang atensyon ng publiko o ng botante ngunit dapat lagi umanong gender-sensitive ito.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Kabilang sa mga ipinagbabawal na campaign o propaganda materials, ay ang mga lumalabag sa mga prinsipyo ng pagiging sensitibo ng kasarian, malaswa, diskriminasyon, nakakasakit o kung hindi man ay bumubuo ng paglabag sa Magna Carta of Women.