Paggamit ng AI generated image sa campaign materials, hindi ipinagbabawal ng isang Senador

Iginiit ni Senador Francis Tolentino na hindi niya ipinagbabawal ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) generated images sa mga campaign poster at paraphernalia.

Ngunit binigyang-linaw niya na hindi dapat magdala ng confusion o panlilinlang sa mga botante ang paggamit nito.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Dagdag pa niya, tiwala siyang malaki ang maitutulong ng AI kahit ito ay nasa infancy state pa lamang.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Samantala, sinang-ayunan naman ni Tolentino ang pahayag ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner, Rey Bulay na dapat pangalagaan ang halaga ng “truth in advertising” lalo na ngayong eleksyon.