Alert level 3 sa Lebanon, pinag-iisipan ng i-akyat ng embahada

Pinaghahanda na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga OFW sa Lebanon dahil sa napipintong pagtaas ng alert level 3 sa naturang bansa para mas masiguro ang kaligtasan ng mga kababayan sa lugar.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary, Eduardo De Vega sinabi nito na nakahangdang tumulong ang gobyerno sa mga uuwing Pilipino dahil sa nagpapatuloy na engkwentro ng Israel at grupong Hezbollah sa Lebanon.

Read More:  DMW: No deployment ban for OFWs bound for Saudi Arabia despite attacks

Nagbigay naman ng update si Usec. De Vega sa mga naiipit na tulong sa Egypt lalao’t may ilang mga kababayan din ang hindi makalabas.

Read More:  China urges DFA to act responsibly; President Marcos seeks clarification from ambassador

Kung maalala, ngayong araw naman inaasahan na makauuwi ng bansa ang ikalawang batch ng mga OFW mula Israel habang apat na ang kumpirmadong nasawi sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at militanteng Hamas.