P14M para sa bagong anti-virus system, ginastusan ng Philhealth

Inaasahan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang paghahatid ngayong linggo ng P14 milyong halagang antivirus system upang magbigay ng wall protection laban sa iba’t ibang uri ng malware attacks.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Ayon kay PhilHealth Acting Senior Manager of the Information Technology and Management Department Nelson De Vera, ang bagong antivirus software na ilalagay sa PhilHealth system ay gagamitin sa loob ng isang taon.

Tiniyak ni De Vera sa publiko na ang bagong sistema ay kayang palakasin ang depensa laban sa iba’t ibang uri ng pag-atake ng malware.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na ang sistema ng insurer ay hindi mapapasok dahil ang mga hacker ay laging “one step ahead”.