AFP, nilinaw na walang military engagement sa Taiwan ang Pilipinas

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines na walang military engagement ang Pilipinas sa Taiwan at walang nakikitang future engagements sa democratically-governed island.

Ayon kay Armed Forces Chief Romeo Brawner, na handa ang military sa anumang kaganapan subalit wala pa itong namo-monitor na ulat sa balak na pag-atake.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Nagtalaga na ang Philippine Military ng naval detachment sa northernmost island ng Mavulis, 150 km mula sa southern tip of Taiwan, kung saan 150,000 Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho roon.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Sumusunod ang Pilipinas sa One China Policy at may kaugnayan din sa Taipei kung saan ang Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan ang nagsisilbing de facto embassy.