DND, wala pang namo-monitor na foreign elements sa bansa sa gitna Israel at Hamas war

Wala pang namo-monitor na foreign elements ang Department of National Defense na nakapasok sa Pilipinas.

Ito’y sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.

Sa Kapihan sa Manila Bay Media Forum, sinabi ni Defense Sec. Gilberto Teodoro na bagamat walang namomonitor na foreign elements ay pinalalakas na nila ang security at peace settlements sa komunidad.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sila aniya kasi ang nakakaalam ng galaw ng mga tao sa lugar at mga dayo na dumarating.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Maaalalang, nagtungo sa Marawi City kahapon si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. upang makausap ang mga commanders sa ground kaugnay sa pagpapalakas ng security efforts at awareness sa bansa.