2 tricycle driver, nahuli sa isinagawang drug buy-bust operation sa Laguna

Arestado ang dalawang tricycle driver sa isinagawang drug buy-bust operation ng Pagsanjan Municipal Police Station.

Kinilala ni Laguna PPO, Officer-in-Charge, Police Colonel Harold Depositar ang mga suspek na sina alyas “Kanto Boy” at “Jun-jun”.

Ayon sa awtoridad, nahuli ang mga suspek kaninang madaling araw.

Ilan naman sa mga nakuha sa kanila ay ang tatlong piraso ng sachet na hinihinalang shabu, pakete ng sigarilyo, pera at itim na belt bag.

Kasalukuyan na ring nasa Pagsanjan MPS ang mga ito para kumaharap a kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Isusumite na rin sa Laguna Provincial Forensic Unit para sa isang forensic examination ang mga nakumpiskang ebidensya.